Takot ka ba sa pakikipagtalastasan sa harap sa maraming tao?
Nanghihina ba ang iyong kumpiyansa sa sarili kapag nakikisalamuha sa iba?
Gusto mo bang palawakin ang kaalaman at kakayahan mo sa wikang Ingles?
Mayroon solusyon sa mga nabanggit mong problema! Halina’t sumali sa Toastmasters!
Ang Toastmasters International ay isang organisasyong pang-edukasyon na nagtuturo sa komunikasyon, pagsasalita sa publiko, at mga kasanayan sa pamumuno.
Ang Toastmasters ay binubuo ng mga pagpupulong sa isang samahan, naghahanda ng mga talumpati, at nagbabahagi ka ng positibong pagpupuna.
Sa kabuuan, ang Toastmasters ay nakakatulong sa iyong pansiriling kakayahan makitungo at mamuno sa kapwa.
Maraming mga dahilan kung bakit kailangang kang sumali sa Toastmasters. Ilan sa mga ito ay:
- Ito ay nagpapatatag ng iyong kumpiyansa sa sarili na magagamit mo sa pang araw-araw na buhay.
- Ito ay isang positibo, ligtas, at magiliw na lugar para matuto at sumubok ng mga bagong bagay.
- Ito ay makakatulong upang maibsan ang iyong takot sa pagsasalita at pagkabalisa sa pakikitungo sa iba.
Tinutulungan ka ng Toastmasters na maging isang mahusay na tagapagsalita, isang mahusay na pinuno, at isang mahusay na tagasuporta sa iba.
Subukan ang pagbisita sa isang samahan ng Toastmasters na malapit sa iyong lugar sa lalong madaling panahon.
Find a Club at this link (English search).